Hawak na ng Quezon City Police District ang isa sa suspek sa pananambang sa pamilya ng photojournalist na si Joshua Abiad noong June 29 kung saan isa ang namatay.
Ipinresenta ng QCPD sa media ang suspek na si Eduardo Legaspi na naaresto sa isang sabungan sa Muntinlupa City noong July 7.
Itinuro ni Legazpi na isang dating bgy kapitan sa Pasay city ang umano’y mastermind na kinilalang Kap “Nanad.”

Si Legaspi rin daw ang nagsilbing spotter sa krimen at nagpaputok ng baril.
Inamin din niya na sila ay binayaran ng 100 thouand pesos at ang napunta sa kanya ay 15 thousand pesos.
Ayon kay QCPD Director PBGen. Nicolas Torre III, personal na away sa pagitan ni Abiad at Kap Nanad ang nakikita nilang dahilan sa insidente.
Pinagsususpetsahan kasi si Abiad na siya ay naninira sa dating kapitan.
Sa ngayon, pito pang suspek ang hinahanap ng mga awtoridad kabilang ang mastermind.