Bayan ng Barcelona, Bulusan at Castilla nanguna sa kauna-unahang Provincial Inter-Municipality Beach Volleyball Tournament

Nanguna ang mga Bayan ng Barcelona, Bulusan at Castilla sa kauna-unahang Sorsogon Provincial Inter-Municipality Beach Volleyball Tournament.

Ang Bayan ng Barcelona ang naging Provincial Champion sa Under 18 Female  Category na kinakatawan nina Dianne Formento, Alyssa Formento, at Jennelyn Sarmiento.

Provincial Champion din ang Bulusan Water Defender para naman sa Men’s Category na kinakatawan nina Jhon Linder Firmanes, Paul Nathan Fulla at Marx Daiel Fulla na nanguna sa five-to-six scoring lead laban sa mga bayan ng Barcelona, Sta. Magdalena, Matnog, Donsol at Juban.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Champion din ang Bayan ng Castilla sa Women Open Categoty na kinakatawan nina Kalya Jasareno, Kim Charlotte Llaguno at Patricia Lopez Aguila. Second Runner Up rin ang nasabing bayan sa Men Open Category.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Nakuha naman ng Bayan ng Juban ang unang pwesto sa Under 18 Men’s Category at ng Donsol ang pangalawang pwesto.

Nagsimula ang kompetisyon nitong June 10 sa Rizal beach sa Bayan ng Gubat na nagtapos kahapon sa parehong lugar.