Pagpasok sa Munisipyo ng nasuspending Alkalde ng Bato Camarines Sur matapos ang preventive suspension naging pahirapan ; 6 months na bagong suspension order natanggap

NAGA CITY- Naging pahirapan ang pagpasok sa Munisipyo ng nagbabalik sana sa opisina ni Bato Mayor Junjun Zorilla Jr, kahapon Hulyo 10, 2023.

Nitong Biyernes Hulyo 7 , natapos na ang 60 days na preventive suspension ni Zorillla Jr na ibinaba sa kaniya noong Mayo mula sa opisina ni Governor Luigi Villafuerte base sa rekomendasyon ng Sangunuiang Panlalawigan.

Kahapon, babalik na sana sa opisina ang alkalde pero nadatnan na naka padlock ang gate ng munisipyo, mismong si Zorilla Jr na ang nagmartilyo sa kandado. Naging mahinahon naman ang lahat ng mabuksan na, nakaantabay din ang pulisya pero hindi nakapag opisina sa kaniyang tanggapan ang Alkalke.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ang Memorandum mula sa Office of The Governor na may petsang Hunyo 30 na natanggap ng Alkalde noong Hulyo 3, 2023 nakasaad ang implementasyon ng desisyon ng Sanguniang Panlalawigan sa administrative case 005-2023, guilty umano sa Grave Misconduct and Prejudicial to the Best Interest of the Services , executory ang 6 months suspension.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Bibinigyan diin ng kampo nina Zorilla na hindi pa final and executory ang desisyon hanggang hindi pa natatapos ang 30 days upang sila ay umapila, may karapatan pang mag file ng motion for reconsideration. Mayroon nang legal actions na paplantsahin ayon kay Atty. Doming Zorilla.

Ayon naman sa complainant na si Vice-Mayor Vic Sapnay Ramos ang nasabing desisyon ng Sangguniang Panlalawigan na “immediately executory” ay base sa Section 68  ng Local Government Code of 1991.