PGA, planong magsagawa ng photo exhibit sa kapag normal na ang aktibidad ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Planong magsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Albay ng photo exhibit sa oras na tumigil na ang Bulkang Mayon sa pagpapakita ng abnormalidad.

Ibibida sa nasabing photo exhibit ang mga kuhang larawan ng mga Albayano Photographers. kung saan tampok ang bulkan sa kanilang mga kuha.

Read More:  Public school teacher arrested in Davao del Oro drug bust

Ito ay kinumpirma mismo ni Gov. Atty. Edcel “Grex” Lagman, kung saan ayon sa kanya, ito ay bilang pagkilala sa mga litratista at sa mga magagandang larawan nila ng nasabing bulkan.

Ayon pa sa gobernador, mayroon ding premyo sa photographer na may pinakamagandang larawan.

Read More:  Nine injured as Canlaon City booth burns at Buglasan Festival in Dumaguete

Dadaan umano ang mga ito sa tatlong kategorya, ngunit hindi pa maglalabas ang PGA ng detalyadong impormasyon kung ano ang mechanics sa pagsali sa photo exhibit, dahil malalaman ito sa mga susunod na araw.