Dating PNP Intel Chief – itinalagang bagong hepe ng NCRPO

Pormal nang nanungkulan bilang bagong hepe ng National Capital Region Police Office si PBGen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Pinangunahan ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang turnover ceremony sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig ngayong araw.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Pinalitan niya si PMGen. Edgar Alan Okubo, na ngayon ay nakatalaga bilang direktor ng PNP Directorate for Police Community Relations.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Sa kanyang mensahe sa programa kanina, ipinag-utos ni BGen. Nartatez sa lahat ng mga chief of police ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa mga punong barangay at kunin ang kanilang mga numero para sa kanilang kooperasyon sa peace and order situation sa National Capital Region.