OVP – nanindigang nagamit nang maayos ang hiniling na P125M na confidential fund

Iginiit ng Office of the Vice President (OVP) na nagamit nang wasto ang P125 milyon na halaga ng confidential funds noong taong 2022.

Sa 2022 Annual Audit Report ng Commission on Audit (COA), lumabas na ang OVP ay mayroong P125 milyon na confidential funds noong nakaraang taon sa kabila ng hindi paglalaan ng pondo para sa intelligence o confidential funds sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) 2022.

Read More:  Palace says Marcos had no power over Bonoan case drop

Ayon sa OVP, ang naturang pondo ay nagamit nang wasto para sa layunin nito at alinsunod sa mga alituntuning itinakda ng pambansang pamahalaan.

Read More:  VP Sara Duterte posts bail after grave threats arrest warrant

Samantala, sa kasalukuyan naman ay mayroong P500 milyon na confidential funds sa 2023 national budget na pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte. // YMB