Uniformed Personnel, dapat mag-contribute para makakuha ng pensyon – Mga guro

Naglabas ng hinaing ang grupo ng mga guro sa ilang mga uniformed personnel na nakatatanggap ng pension kahit walang kontribusyong hinuhulugan na kanilang nakukuha pag sila’y retired na.

Kaugnay nito ay binigyang-diin ni Teachers Dignity Coalition (TDC), Chair. Benjo Basas ang kanilang apela sa usapin ng pension ng ilang uniformed personnel na walang binabayarang contribution hindi kagaya ng mga Guro na may GSIS o SSS naman para sa mga pribadong manggagawa.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Ani pa ni Basas, kung possible naman pala ang ganoong sistema na sinasakop na ng gobyerno ang pensyon ng mga nagreretiro, baka pupwede rin itong gawin para sa lahat.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Samantala, napag-alaman na malaki ang pondong inilaan ng Department of Budget and Management (DBM) para sa pension ng mga uniformed personnel.