Mahigit 20,000 pamilya, inaasahang ililikas kung sakaling itaas sa alert level 4-5 ang status ng Bulkang Mayon – APSEMO

LEGAZPI CITY – Inaasahang aabot sa mahigit 20,000 na mga pamilya ang ililikas kung sakaling itaas na sa Alert Level 4-5 ang status ng Bulkang Mayon.

Ito ang kinumpirma ni Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) Chief Dr. Cedric Daep sa press briefing kahapon.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Ayon kay Daep, ito ay binubuo ng aabot sa mahigit 80,000 katao.

Ang bilang na ito ang kanila umanong estimated data batay sa kanilang paghahanda sa maaaring paglala ng sitwasyon ng Bulkang Mayon.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Aniya, kapag patuloy ang paglala ng sitwasyon ng bulkan, at kung sakali man na pumutok, maaari nang iextend mula sa 7-8 kilometers extended danger zone ang evacuation.