Bicol Region, nanguna sa may mga matataas na bilang ng mga kasong violence against women sa taong 2022

LEGAZPI CITY – Nanguna ang Bicol Region pagdating sa may pinakamaraming bulang ng mga naitatalang kaso na may kinalaman sa violence against women mula 15-49 taong gulang sa buong bansa para sa taong 2022.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Sa datos mula sa 2022 National Demographic Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) Bicol, 23.4% sa rehiyon ang nakaranas ng emotional abuse, 10% sa physical violence, habang 4.3% sa sexual violence.

Samantala, nakuha naman ng rehiyon ang pinakamababang bilang ng teenage pregnancy sa mga kabataang nasa edad 15-19 taong gulang.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Ito ang naitala sa buong Pilipinas, kung saan nakakuha lamang ng 2% na kaso ang rehiyon, kumpara sa 11% mula sa Northern Mindanao.