Herlene Nicole Budol pinasalamatan ang mga basher

PINASALAMATAN ni Binibining Pilipinas 2022 1st Runner Up, Herlene Nicole Budol sa show na “Fast Talk With Boy Abunda” ang kaniyang mga bashers.

Ayon kay Herlene, nagkaroon siya ng sangkaterbang bashers matapos ang kontrobersiyal n’yang Q&A performance sa Press Presentation ng Miss Grand Philippines 2023 na ginanap nitong kamakailan.

Read More:  Patrick Garcia breaks silence on past relationship with Jennylyn Mercado

Ayon sa host/comedian, inamin nito na sobra siyang naapektuhan sa mga pambabatikos sa kaniya hanggang sa puntong sumagi sa isip nito na mag back out na lamang sa Miss Grand Philippines 2023.

Read More:  Kris Aquino looks forward to becoming more active at work in 2027

 Ganunpaman, nagpapasalamat siya sa mga ito dahil ito umano ay naging daan upang mas matuto siya sa kanyang mga pagkakamali.

 Sa ngayon, anya, ‘di na siya takot magkamali dahil ang pagkakamali ay bahagi ng buhay at tulay para maging tama ang mga susunod niyang hakbang.###JONADEL GALLEGO,Intern