Janitor sa New York, napinsala ang aabot sa $1-M na halaga ng research matapos putulin ang kuryente ng lab-freezer

PINAKAKASUHAN ngayon ang agency ng isang janitor sa New York matapos nitong mapinsala ang aabot sa $1-M na halaga ng research makaraang putulin ang kuryente ng lab-freezer.

Tatlong taon na umano ang lumipas nang mag simulang magtrabaho ang janitor ng Daigle Cleaning System bilang taga linis sa Rensselaer Polytechnic Institute Laboratory sa New York.

Natuklasan na lamang ng research group na naka-off ang freezer at ang temperatura sa loob ay tumaas hanggang sa naging sanhi ng pagkasira ng mga specimen sa laboratoryo.

Ayon sa janitor, habang ginagawa ang paglilinis sa pasilidad, narinig niya ang nakakairitang tunog at inamin na pinatay niya umano ang circuit breaker na nagsusuplay ng kuryente sa freezer na naging dahilan upang tumaas ito sa -25.6 degrees.

Dahil dito naghain ng demanda ang Korte Suprema ng New York sa kumpanya nitong Hunyo 16.

Samantala, sinabi ng abogado na kumakatawan sa unibersidad, na nabigo sila sa ‘di maayos napagsasanay sa manggagawa ng naturang Cleaning System.### HARLIN LUMIBAO, Intern