BBM o ‘Batang Busog Malusog’ ilulunsad ni bagong anti-poverty-czar Gadon

‘Hindi ako hihingi ng tawad’.

Ito ang idinin ni Larry Gadon sa mga kritiko ng kaniyang appointment bilang bagong Presidential Adviser on Poverty Alleviation.

Ayon kay Gadon, hindi raw siya maga-apologize para sa mga pagmumura niya noon.

Read More:  Mark Villar joins Senate majority bloc, raising membership to 14

Sa katunayan, sila naman daw ang nagpapakalat ng kasinungalingan at may kasalanan kung bakit sila namura.

Sa kabila niyan, una na niyang idiniin na hindi ito magkukumento sa kaniyang disbarment case.

Samantala, naibahagi naman ni Gadon na isusulong niya ang isang anti-hunger program na kung tawagin ay ‘BBM’, ‘o ‘yung ‘Batang Busog, Malusog’ program.

Read More:  NBI gets VP Sara’s affidavit on Gracioso claims

Ayon kay Gadon, kung ang mga bata ay makakakuha umano ng sapat na nutrisyon, makakapag-focus ang mga ito sa kanilang pag-aaral, at kung makakakuha sila ng mahusay na edukasyon, magbibigay ito sa kanila ng magandang kinabukasan.