PBBM, puwede pang manatiling Agriculture czar – solon

‘If it ain’t broke, why fix it?’

Ito ang naging pahayag ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers hinggil sa pamumuno ni Pangulong Bongbong Marcos sa Department of Agriculture.

Sabi ni Barbers, kung siya ang tatanungin – hindi naman daw kailangang madaliin ang paga-appoint ng full-fledged secretary.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Para sa mamababatas, passionate naman ang Pangulo sa pagtugon sa mga problema ng agriculture sector.

Sa katunayan, malapit na nga raw makamit ang ipinapangako nito na P20 kada kilo na bigas.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Ang maaari raw gawin sa ngayon ay magtalaga na muna ito ng lieutenant na mapagkakatiwalaan ng Pangulo habang abala ito sa kaniyang mga tungkulin bilang punong ehekutibo.

Kung maaalala, mag-iisang taon na sa puwesto si Marcos pero hanggang sa ngayon, tanging DA na lang ang walang full-time secretary.