Postponement ng BSKE, unconstitutional – SC

Unconstitutional o labag sa Konstitusyon ang pagpapaliban sa Barangay at SK elections na unang itinakda noong December 05, 2022 at inilipat sa huling Lunes ng October 2023.

Pinagtibay ng Supreme Court en banc ang pinagsamang petisyon na inihain nina Atty. Romulo Macalintal, Atty. Alberto Hidalgo at iba pa laban sa RA 11935 na nagpaliban sa BSKE.

Read More:  DMW: No deployment ban for OFWs bound for Saudi Arabia despite attacks

Sa kabila ng deklarasyon ng SC, kinilala ng kataas-taasang hukuman ang legal practicality sa paglilipat ng petsa ng botohan.

Nilinaw din ng SC na walang kapangyarihan ang Comelec na magkansela ng eleksyon sa bansa kaya ang hakbang ng Kongreso ay hindi panghihimasok sa kapangyarihan ng poll body.

Read More:  Sara Duterte leads 2028 presidential preference survey with 50%

Binigyan-diin din pa ng mga mahistrado ng Korte Suprema na nakagawa ng grave abuse of descretion ang kongreso nang ipagpaliban ang BSKE sa isyu ng realignment ng pondo n alabag sa konstituyson.

Sa kabila nito, sinabi ng SC na tuloy pa rin ang eleksyon sa Oktubre, ang susunod na botohan para sa BSKE.