Pagpapataas sa sahod sa mga nurse sa bansa, reresolba sa krisis ng health sector – solon

Binigyang-diin ni Quezon City 4th district Rep. Marvin Rillo na inaasahang lalala pa ang kasalukuyang sitwasyon ng mga ospital sa bansa dahil sa kakulangan ng mga nurse.

Pahayag ng congressman, maging ang mga Filipino nurse na nagtatrabaho na sa Middle East ay nahihikayat na lumipat sa Texas at California, bukod sa iba pang estado sa Amerika.

Read More:  DOTr to pilot cashless payment system on EDSA Busway

Ani Rillo, ang mga ospital sa America at mga kawani ng ahensya ay agresibo na ngayong nagre-recruit ng mga Pilipinong nurse, upang matugunan ang kanilang kakulangan sa healthcare workers.

Read More:  Claire Castro stays in PCO post as Cayetano calls her a “treasure”

Dahil dito, iginiit ng mambabatas na dapat nang itaas ng Kongreso ang basic salaries ng mga lokal na nars sa Pilipinas, dahil ito lang ang paraan upang hindi mapilitang mangibang bansa ang mga healthcare workers sa mga pampublikong ospital. // Yanaley Balaquiot