Ancajas, tinalo ang Colombian boxer via 5th round knockout

Tagumpay si Jerwin Ancajas na makuha ang una niyang super-bantamweight win sa 8-round fight na ginawa sa Armory, Minneapolis, Minnesota.

Tinalo ng former IBF super-flyweight champion via fifth round knockout si Wilner Soto ng Colombia.

Read More:  Chicago Bulls overpower Milwaukee Bucks, cruise to 125-104 win

Pinaluhod ni Ancajas si Soto matapos na hindi kayanin ang sunod-sunod na suntok sa kanyang tiyan ng Pinoy boxer.

Tumaas ngayon ang record ni Jerwin sa 34-3-2 na mayroong 23 KOs.

Read More:  EJ Obiena calls for stronger support for Filipino athletes

Samantala, bigo naman maagaw ni Jade Bornea ang IBF junior bantamweight title mula sa champion na si Fernando Martinez ng Argentina sa 12-round fight.

Hininto ang laban sa 11th round dahil sa naging injury sa kanang tenga ni Bornea.//CA