Peligrosong daan sa Ipilan Narra, araro na lang ang kulang

Inireklamo na naman sa Brigada ang peligrosong daan sa National Highway ng Sitio Tagdao sa Barangay Ipilan, Narra Palawan.

Ayon sa isang concerned citizen na si Ms. Rejane Ayson, naaksidente sakay ng motorsiklo ang kanyang asawang lalaki kagabi sa kalsadang nagmistulang basakan.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Malayo rin daw sa ginagawang kalsada ang mga warning device na inilagay sa gilid ng daan kaya nagiging peligroso ang Highway lalo sa gabi kung saan walang street lights.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Iginiit nito na malaking abala at perwisyo ang idinudulot ng proyekto lalo sa mga estudyanteng dumadaan doon patungo sa paaralan maliban pa sa mga may dalang produkto.

Samantala, ipinanawagan nito sa kontraktor na tapusin na ito sa lalong madaling panahon.