Kasangga exercise ng Army ng Pilipinas at Australia, nagtapos na

Nagtapos na ngayong araw ang Kasangga exercise ng army ng Pilipinas at Australia.

Ilang linggong nagsanay ang halos 200 miyembro ng Philippine Army at mga sundalo mula sa Australian Royal Regiment sa Kasangga army to army exercises sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Bahagi ito ng alyansa ng dalawang bansa para pagtibayin ang kahandaang magsanib-pwersa sa hinaharap laban sa mga banta ng terorismo at kalamidad.

Ayon kay 2nd Infantry Division commander Major General Roberto Capulong, maraming natutunan ang mga miyembro ng Philippine Army sa nakasamang pwersa ng Australia, lalo na pagdating sa ‘close-quarter battles, jungle warfare and survival’.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Magkakaroon naman ng panibagong military drills ang Philippine Army kasama ang pwersa ng militar ng Malaysia at Indonesia sa ikatlong quarter ng taon.