Preliminary investigation sa umano’y special treatment kay Jad Dera, sisimulan na

Sisimulan na ng Department of Justice sa June 29 ang preliminary investigation sa nabunyag na pagbibigay umano ng special treatment ng mga guwardiya ng NBI sa high profile detainee na si Jad Dera.

Sinabi ni DOJ spokesman Atty. Mico Clavano, inaasahan nilang madadadagan pa ang mga makakasuhan sa naturang insidente.

Read More:  Barzaga says he has no regrets after House expulsion

Naniniwala aniya ang DOJ na mayroon pang ibang mataas na opisyal ang nasa likod nito kaya ito nangyari.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Inaasahang maghahain ng kanilang kontra-salaysay ang mga nasampahan na ng reklamo.

Sinampahan ng reklamong corruption of public officials/employees si Dera habang ang anim na guwardiya ng NBI Detention Facility ay pinagharap din ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.