Presyo ng langis, nagbabadyang tumaas sa P1 kada litro sa susunod na linggo

Nagbabadyang tumaas sa P1 kada litro ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa oil industry sources, posibleng maglaro sa P1 hanggang P1.20 ang taas presyo sa kada litro ng gasolina.

Read More:  OVP’s ₱785.2 million budget passes Senate committee in 16 minutes

Habang nakikita namang maglalaro sa 0.10 hanggang 0.30 centavos ang posibleng umento sa kada litro ng diesel.

Read More:  China urges DFA to act responsibly; President Marcos seeks clarification from ambassador

Maaalalang nitong Martes, nagpatupad ng katiting na pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.//MKCJ