NCRPO chief, naniniwalang walang kasabwat na pulis si Bantag para hindi maaresto

Naniniwala ang National Capital Region Police Office na walang kasabwat na pulis si dating Bureau of Corrections chief Gerald Bantag para maiwasan ang pagkakaaresto nito.

Mababatid na ang NCRPO ang nangunguna sa paghahanap sa dating BuCor chief.

Read More:  P162 million worth of kush seized from distressed yacht in Subic Bay

Ayon kay  NCRPO Director Maj. Gen. Edgar Alan Okubo, tiwala siyang walang nagbibigay ng tip kay Bantag mula sa kanilang hanay  kaugnay sa manhunt na ikinasa para sa pagkakahuli niya.

Read More:  Various groups to hold ‘Baha sa Luneta 3.0’ protest on September 21

Maaalalang naglabas ng pabuya ang NBI at DOJ sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Bantag at deputy nitong si Racardo Zulueta.

Ayon kay Gen. Okubo, may reward man o wala, hindi aniya sila tumitigil sa paghahanap kay Bantag. //CA, edited MHEL PACIA