Pagrebisa ng Senado sa MIF bill sa pamamagitan umano ng viber, binatikos

There is no such thing as legislation via “Viber.”

Ito ang sinabi ng Makabayan bloc matapos malaman na ni-revised ng Senado, sa pamumuno ni Senate President Juan Miguel Zubiri, ang kontrobersyal na Maharlika Investment Fund Bill sa pamamagitan ng pagtalakay nito sa messaging app.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Iginiit ng Makabayan na unconstitutional at maituturing na pagbabalewala sa proseso ang ginawang pagbabago sa MIF sa pamamagitan ng usapan lamang sa Viber.

Sa isang mensahe sa mga mamamahayag, sinabi ni Zubiri na ang mga correction sa MIF ay masusing napag-usapan ng majority bloc “in our Viber group.”

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Tanong tuloy ng Makabayan kung bakit napayagan ang hakbang na ito gayung hindi umano ito pinahihintulutan ng konstitusyon.

Nilagdaan ni Zubiri ang  kopya ng enrolled bill sa Washington kung nasaan siya para sa official visit sa mga miyembro ng  United States Congress at government agencies.//CA