Katiting na rollback sa lahat ng oil prices, epektibo na simula bukas

Simula bukas ay epektibo na ang bagong round ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa abiso, magbabawas ng P0.35 sa kada litro ng gasolina.

Mayroon ding tapyas na P0.10 sa kada litro ng diesel; at P0.30 naman sa kada litro ng kerosene.

Read More:  LTFRB tightens monitoring of 20% fare discounts during Undas exodus

Epektibo ang adjustment bukas, alas-sais ng umaga sa Pilipinas Shell, PetroGazz, SeaOil; habang hatinggabi naman sa CleanFuel Philippines.

Read More:  Teodoro challenges China to name politicians allegedly linked to Beijing

Inaasahang ngayong hapon naman ay maga-anunsyo na rin ang iba pang mga oil companies.

Kung maaalala, nakaraang linggo nang magpatupad ng higit-pisong taas-presyo sa lahat ng oil products.