Water interruption aasahan sa ilang bahagi ng Quezon, City

Asahan na ang pagkawala ng tubig sa mga konsyumer ng Maynilad ngayong araw.

Ayon sa abiso, magkakaroon ng water interruption sa ilang bahagi ng Quezon, City ngayong araw ng Lunes , alas-10 ng gabi hanggang bukas, alas-4 ng umaga.

Ito ay para maisaayos ang pagtaas ng tubig sa kanto ng Commonwealth at Don Jose Avenues habang nagsasagawa sila ng emergency heat repair.

Read More:  41 women, including 10 minors, rescued in Cebu human trafficking operations

Ilang bahagi na apektado ay ang Barangay Bagbag, Batasan Hills; Commonwealth Greater, Fairview; Gulod Holy Spirit; North Fairview; Payatas, Bartolome, Sauyo, Sta. Lucia, Sta. Monica, Nagkaisang Mayon at Talipapa

Ayon sa mga residente, dahil maaga nilang nalaman ang anunsyo ay maaga rin silang nakapag-imbak ng tubig

Read More:  Baby boy found abandoned outside home in Cordova, Cebu

Dagdag pa ng nasabing water concessionaire, kung nais malaman ng mga residente ang mga maaari pang maapektuhan ng water interruption ay mangyaring magtungo lamang sa official facebook page ng Maynilad. (Brigada Intern-JC Javier)