Humanitarian considerations at national security dapat balansehin sa Afghan refugees isyu – Go

Iminungkahi ni Senador Christopher Bong Go na dapat balansehin ng mabuti ng pamahalaan ang human considerations at national security implications ng planong pagtanggap sa mga Afghan refugees.

Sa isang ambush interview sinabi ng Senador, kailangan munang mapakinggan ang concern ng bawat ahensiya ng gobyerno kaugnay sa naturang usapin.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Dagdag pa ni Go, na bilang Vice Chairman ng Senate Defense Committee ay dapat niyang isaalang-alang ang seguridad ng bawat mamamayan bagama’t likas na sa mga Pilipino ang pagiging matulungin sa ibang tao.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Ibinihagi din ng mambabatas na noong termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte tumanggap na rin ang bansa ng mga Afghan refugees kung saan pansamantala itong nanuluyan sa mga temporary shelters sa Clark Pampanga. (JC Javier-Brigada Intern)