NAGA CITY – Tuloy ang monitoring at pagbibigay ng tulong ng Department of Social Welfare and Development Office o DSWD Bicol, sa mga street children kasama na ang mga Badjao, maging ang mga pamilya nito.
Katunayan 150 mga street children at mga Badjao nitong 2022 sa Bicol Region sa Comprehensive Program o COMPRE ang natulungan o naasistensyahan nila ng pinansyal o food items, ang ibang mga bata naman nabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral.
Kung saan sa pamamgitan ng COMPRE nababantayan at namomonitor ang mga street children Badjao man o hindi, naipatutupad na ito sa Naga at Iriga City.
Pero hindi napipigilan 100% ang pamamalimos dahil sa kultura kaya ang ibang pamilya palipat-lipat, ayon kay Atty. Michael Gerome Bellena, Chief Administrative Officer at Human Resource Management Development Division Chief ng DSWD Bicol.
Sa pakikipag-usap naman ng Brigada News FM Naga kay Mayor Jojo Bengua ng Pasacao, Camarines Sur sinabing kahit papaano nababantayan nila ang naturang grupo kasama ang DSWD, National Commission on Indigenous Peoples maging ang ibang ahensya.
Sa 25 ngang pamilya sa Pasacao, 21 ang kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, at inaasahang ang 15 pamilya naman mabibigyan ng de motor na bangka.