Barangay tanod sa Naga City hinataw ng dos por dos, comatose

NAGA CITY – Comatose ang isang Barangay Tanod nang hatawin ito ng dos por dos sa ulo ng matagal ng naka-alitan nito sa Barangay Igualdad, Naga City.

Napag-alaman ng BNFM Naga kay Kagawad Denes Alamer na nangyari ito 7:00 ng umaga kahapon, Hunyo 13, 2023 kung saan habang lulan ng kanyang motorsiklo ang biktimang si Rudy Pornilosa ay inabangan umano ito ng suspek na si alyas “Barok”, kapit-bahay ng bikitima at bigla na lamang nitong hinataw ang biktima, dahilan upang matumba ito.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Ayon pa sa mga nakasaksi ng insidente, hindi pa umano nakuntento ang suspek at maka-ilang ulit pa nitong pinagpapalo ng kahoy ang biktima.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Malalim na galit ang tinitingnan na anggulo sa pangyayari.

VC KGD. ALAMER

Ang suspek ay kaagad namang nahuli ng mga otoridad matapos ang ikinasang hot-pursuit operation.