Ilang evacuees sa Malilipot, Albay, pinoproblema ang pagdudumi sa evacuation center

LEGAZPI CITY – Pinoproblema ngayon ng ilang mga residente ng Brgy. Calbayog, Malilipot Albay ang pagbabawas o pagdudumi sa evacuation center sa San Jose Elementary School.

Ilan sa mga ito ay pumupunta na lamang sa mga kamag-anak na malapit sa evacuation center upang magbawas.

Read More:  Man arrested in Maguindanao del Sur over alleged murder of LGBTQ individual in Davao City

May mga nagdudumi rin umano sa mga palikuran ngunit hindi naman nabubuhusan nang maayos dahil mayroong problema sa palikuran.

Sa unang araw pa lamang ng mga ito, naging problema rin ng mga residente ang kakulangan ng supply ng tubig ngunit sa ngayon ay mayroon na rin at naglagay na rin ng portable water sa evacuation center.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Sa ngayon, wala pa umanong aksyon ang LGU tungkol sa problema ng ilang mga residente.