Marcos, muling inimbitahan ni  Macron para sa state visit sa France

Muling inimbitahan ni French President Emmanuel Macron si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa isang state visit  sa France.

Sa isang pahayag, sinabi ng French Embassy sa Pilipinas na ang imbitasyon ni Macron ay ipinarating sa pamamagitan ng isang liham ng pagbati na ipinadala sa  ika-125 taon ng selebrasyon ng araw ng kalayaan.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Sa liham,  binigyan-diin ni Macron ang mabungang relasyon at ang mayamang kooperasyon sa pagitan ng France at Pilipinas.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Noong Oktubre, unang inihayag ni French Ambassador to the Philippines Michele Boccoz na nakahanda si Marcos na bumisita sa Paris. //CA, edited MHEL PACIA