DTI-Sorsogon naghahanap ng mga mananaliksik na tututok sa potensyal ng coco sugar

Naghahanap ngayon ang Department of Trade and Industry o DTI Sorsogon ng kanilang pwedeng maging katuwang sa pag-aaral o pananaliksik sa potensyal ng coco sugar lalo  na at sagana sa produktong niyog ang Sorsogon.

Matatandaan na ngayong taon ay naglaan ng pondo ang ahensya para sa kanilang ProDev o Product Development Project na magsasanay sa mga  Small, Medium Enterprises o SMES beneficiaries sa pagbuo ng mga bagong produkto na mayroong international standard o mark-value products partikular ang mga produktong likha mula sa niyog o coconut crafts kung saan sa kasalukuyan ay mayroon nang sampung SMEs beneficiaries ang DTI para sa nasabing proyekto.

Read More:  ₱2.2-M shabu seized; ex-police, seaman among 5 arrested in Iloilo
Read More:  1,000 families affected as major fire hits Agdao, Davao City

Ayon kay DTI Provincial Director Ma. Lourdes Pancho, makakatulong din umano ito upang ma-enhance ang mga kasalukuyang lokal na produktong pang komersyo sa lalawigan.