Boto ng Pilipinas sa UN na pumapabor na maimbestigahan ang mga aksyon ng Israel sa Gaza Strip pinapaayos ni PRRD

Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea na ayusin ang boto ng Pilipinas na pumapabor sa imbestigasyon ng United Nations sa mga naging aksyon ng Israel sa Gaza Strip.

Sa gitna ng seremonya na isinagawa sa Palasyo para sa pagpirma sa apat na panukala ay natanong ng Pangulo ang tungkol sa boto na pinaatras ng Israel.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Kinwestyon rin ng Pangulo kung sino ang nakakaalam sa botohan dahil tila ay hindi kinonsulta ng kinatawan ng Pilipinas ang gobyerno bago ito bumoto.

Ilang sandali lamang ay naputol ang live video feed.

Kung maalala ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na consistent ang delegation ng Pilipinas sa pagboto na pabor sa karapatan ng mga Palestino na magkaroon ng sariling estado, sa parehong paraan na sinuportahan nito ang Jews nang mabuo ang Israel.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Ipinunto rin ni Roque noon na hindi nagma-micro manage ang Pangulo at kadalasan ay ipinauubaya na lamang nito sa Philippine delegation ang paboto sa iba’t-ibang isyu sa UN.