Tree Planting at Community Pantry Activity, isinagawa ng CANORECO kasabay ng pagdiriwang nito ng ika-47 turn over anniversary ngayong taon

CAMARINES NORTE- Kasabay ng pagdiriwang ng ika-47 turn over anniversary ng CANORECO ngayong taon, nagsagawa ito ng Tree Planting at Community Pantry Activity

Ginanap ang nasabing Tree Planting Activity sa Brgy. Mangcamagong, Basud kung saan nakapagtanim mg 100 seedlings ng Mahogany katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Read More:  Three fishing vessels destroyed in fire at MGTR compound in General Santos City

Sa parehong araw, nagsagawa din ng Community Pantry Activity na ginanap sa Covered Court, sa Brgy. Tugos, Paracale kasama sina CANORECO District Director Engr. Edwin Lamadrid ng Paracale at CANORECO MCO Federation President Vicente Medenilla.

Read More:  Alleged ‘undersized’ culvert linked to Ilog village flooding, DPWH action sought

Kaugnay nito, nagsagawa naman ng Teambuilding Activity ang kooperatiba para sa kanilang mga empleyado.

Sa taunang pagdiriwang na ito, muling nagpapasalamat ang CANORECO sa mga MCO na syang nagmamay-ari sa kooperatiba, at sa mga opisyal at empleyado na siya namang nagpapatakbo nito.