3 araw na pagdiriwang ng Agri-Fiesta 2023 sa Camalig, naging matagumpay

LEGAZPI CITY – Matagumpay na nagtapos ang 3 araw na pagdiriwang ng Agri-Fiesta 2023 sa Albay Farmer’s Bounty Village sa bayan ng Camalig.

Ayon kay Albay Provincial Agriculture Office (APAO) head, Che Rebeta, nagpamalas ng kani-kanilang mga produkto ang umabot sa 18 mga LGUs at local exhibitors sa lalawigan ng Albay.

Read More:  11-year-old dies in Iloilo foam party electrocution

Dagdag pa niya, matapos ito ay kanila namang pinaghahandaan ang pagbibigay ng livelihood assistance at agricultural trainings para sa mga magsasaka at mangingisda.

Read More:  Boy Scouts honor Tacloban school shooting victim for bravery

Sa ngayon, nagpasalamat si Rebeta sa mga dumalo sa nasabing aktibidad at sinabing asahan na mayroong pang mga susunod na gaganapin upang makatulong sa mga residenteng nasa sektor ng agrikultura at pangingisda ang hanapbuhay.