Mahigit 100 first-time takers na mga guro sa Tiwi Community College, pumasa sa LET ngayong taon

LEGAZPI CITY – Ipinagmamalaki ngayon ng Local Government Unit (LGU) Tiwi ang mga bagong guro mula sa Tiwi Community College na pumasa sa Licensure Examination for Teachers (LET) nito lamang buwan ng Marso.

Aabot kasi sa 106 na mga first-time takers na mga guro ang pumasa sa nasabing pagsusulit.

Read More:  21-year-old  arrested over alleged online school shooting in Cebu

Sa datos, ang LET performance sa Bachelor of Elementary Education na first-time takers ay nakakuha ng 72.58% na passing percentage, habang sa Bachelor of Secondary Education naman ay 77.22%.

Read More:  Gunman arrested after shooting near school in Cebu City

Sa over all passing percentage ng BEED ay nakuha nito ang 48.18% na above national passing percentage na 40.76%, habang sa BSED naman ay nakuha ang 66.67% na above national passing percentage na 46.94%.