Mga mangingisda sa lalawigan ng Camarines Norte, apektado ang kabuhayan dahil sa Northeast Monsoon

Umaaray na ngayon ang mga mangingisda sa lalawigan ng Camarines Norte dahil ilang araw ng hindi makapalaot bunsod ng northeast monsoon.

Kahit kasi walang bagyo ay nananatiling suspendido ang biyahe ng mga maliliit na sasakyang pandagat dahil sa malakas na alon ng karagatan.

Isa sa mga apektado ang hanapbuhay ngayon ay si Mang Carlito Abrera 63, ng bayan ng Mercedes na magdadalawang linggo nang hindi nakakapalaot.

Read More:  Six NPA members surrender in Camarines Sur, turn over firearms and explosives

Aniya, tiis-tiis na lang muna siya ngayon at ang kaniyang pamilya dahil wala naman siyang ibang hanap-buhay kundi ang pangingisda.

Marami pa man din umano ang umaasa sa kaniya at wala ring natatanggap na ayuda.

Ang isa sana sa inaasahan ng mga katulad ni Mang Carlito ay ang social pension pero hanggang sa ngayon ay hindi pa umano naibibigay sa kaniya.

Read More:  19-year-old woman found dead in Lupon, Davao Oriental, with head injury

Maghihintay na lamang umano siya na bumuti ang lagay ng dagat para muling makapalaot.

Mababatid nagpatupad  ng temporary suspension of voyage ang Coast Guard sa mga bangkang 250 GT pababa bilang proactive measures para maiwasan ang posibleng maritime incidents.