Econ managers, pinasasalamatan ang Senado sa pagpasa ng MIF bill

Pinasalamatan ng economic team ng administrasyon ang Senado para sa pagpasa nito sa isinusulong nilang Maharlika Investment Fund Bill.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, nagpapasalamat sila kina Senate President Migz Zubiri at sa nag-author ng Senate version ng Bill na si Senador Mark Villar para sa masusing deliberation at pag-priority sa Senate Bill No. 2020 na matatandaang pina-certify as urgent ng Pangulo.

Read More:  DILG Sec. Remulla pays Vice Mayor Respicio’s ₱28K drug test

Aniya, isa raw itong ‘vital’ na ‘key economic measure’ na makatutulong para mapanatili ang momentum ng paglago ng ating ekonomiya.

Read More:  Philippines named Asia’s Leading Dive Destination for 8th straight year

Muli namang tiniyak ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na mayroong mga sapat na safeguards ang panukala.

Kabilang aniya rito ang regular na auditing ng isang kumite, at isa pang Congressional oversight committee. //LGD, edited MHEL PACIA