PSA, naglabas ng opisyal na listahan ng mga lugar sa Albay at Camarines sur kung saan pwedeng mag book ng appointment para sa Step 2 registration ng PhilSys

BICOL— Naglabas na ng opisyal na listahan ang Philippine Statistic Authority o PSA kaugnay ng mga lugar at bayan sa lalawigan ng Albay at Camarines Sur kung saan maaaring mag book  ng appointment para sa nagpapatuloy na Step 2 Registration ng Philippine ID System.

Sa probinsya ng Albay, kabilang ang mga lungsod at bayan ng Camalig; Bacacay; Legazpi, Ligao, Tabaco, Guinobatan, Pioduran, Polangui, Rapu-rapu at Tiwi na pwedeng kunan ng appointment online.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Gayundin ang mga bayan ng Baao, Balatan, Bato, Bombon, Buhi, Bula, Cabusao, Camaligan, Caramoan, Iriga, Gatchitorena, Goa, Lagonoy, Libmanan, Lupi, Pili, Magarao, Milaor, Minalabac, Nabua, Ocampo, Pamplona, Pasacao, Presentacion, Ragay, Sañgay, San Fernando, San Jose, Sipocot, Siruma, Tigaon at Tinambac sa probinsya ng Camarines Sur.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Pinapayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na mag rehistro online at mag log in gamit ang kanilang mobile numbers o email add sa www.register.philsys.gov.ph .

Pakiusap ng PhilSys sa bawat Bicolano, magpa rehistro na sa National ID system sa lalong madaling panahon.###