Binata, arestado sa drug buy-bust operation sa bayan ng Daraga

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang binata matapos ikinasa ng mga otoridad ang drug buy-bust operation sa P-10, Brgy. Tagas, Daraga, Albay.

Kinilala ang suspek na si Ken Jeremy Llanto y Loterte, 18 taong gulang na residente ng P-5 A, Brgy. San Roque ng kaparehong bayan.

Read More:  Bystanders scramble for cover as exchange of gunfire wounds 4 in Himamaylan City

Ayon sa report, isinagawa ng Daraga MPS kasama ang PDEA Bicol ang nasabing operasyon laban sa suspek, kung saan pinagbentahan nito ang poseur buyer ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na may lamang pinaniniwalaang “shabu” sa halagang PHP1,500.

Read More:  Murad Ebrahim stresses moral governance on FAB anniversary

Narekober din sa katawan ng suspek ang dalawa pang suspected “shabu” na may timbang na humigit -umulang 2.2 grams na aabot sa PHP15,000.

Ang suspek at ang mga narekober na item ay dinala sa kustodiya ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.