Aktibong kaso ng Covid-19 sa Camarines Norte malapit nang sumampa sa 100, panibagong kaso ng pagkamatay dahil sa sakit, naitala

CAMARINES NORTE- Patuloy ang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng Covid- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay sa datos ng Provincial Health Office, sumampa na sa 97 ang bilang ng aktibong kaso ng Covid- 19 hanggang nitong Huwebes, May 25.

Lahat ng bayan sa lalawigan ay mayroon ngayong aktibong kaso na ang pinakamarami ay sa Daet na may 35.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Nakapagtala naman ng 17 ang Vinzons, Labo 14, Mercedes 6, Basud 4, Capalonga 4, Talisay 4, San Vicente 4, Paracale 3, Sta Elena 3, Jose Panganiban 2 at San Lorenzo 1.

Dahil dito sumampa na sa 4, 789 ang kabuuang kaso ng COVID- 19 sa lalawigan.

Nadagdagan din ang bilang ng mga nasawi kaya mayroon na ngayong 284.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Umaabot naman sa 4, 408 o 92. 04 % ang nakarekober.

Kaugnay nito ay pinaalalahanan ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco ang publiko na i- practice ang health protocol lalo na ang pagsususot ng face mask.

Hinimok din ng opisyal ang mga hindi pa nagpapabakuna na magpabakuna na at magpa booster.