Pulis patay nang bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa patawid na kalabaw

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang pulis nang bumangga ang sinasakyan nitong  motorsiklo sa patawid na kalabaw sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Purok 1, Brgy Del Rosario, Pilar, Sorsogon.

Kinilala ang pulis na miyembro ng Castilla MPS na si PSSg David Riva Dela Rosa II, 37-anyos, may asawa at naninirahan sa Purok Azucena, Brgy Burabod, Castilla, Sorsogon.

Read More:  Pickup driver falls asleep, hits tricycle, motorcycles and store in Bacolod

Batay sa ulat na nakalap ng Brigada News, pabalik na sana sa kanyang himpilan si Dela Rosa mula sa intel monitoring ng wanted persons sa Brgy Sogoy, adjacent na barangay boundary ng bayan ng PIlar, nang pagdating sa nasabing lugar ay aksidenteng nabangga nito ang isang kalabaw na hila-hila ng isang Joven Benites Belen, 47-anyos, may asawa, construction worker at residente ng nasabing barangay.

Read More:  107 residents evacuate after Taal volcano eruption triggers ashfall in Batangas

Isinugod ito sa Castilla District Hospital subalit idineklarang ‘dead on arrival’ ng sumuring doktor.

Ayon sa Pilar MPS, hihintaying nila ang pamilya ng biktima kung ang mga ito ay magsasampa ng asunto laban sa may ari ng kalabaw.