Daraga Municipal Most Wanted Person, arestado sa Legazpi City dahil sa 7 bilang ng kasong panggagahasa ng menor de edad

LEGAZPI CITY – Hindi na nakapalag pa ang isang truck helper na tinaguriang Municipal Most Wanted Person ng Daraga, matapos itong arestuhin sa Brgy. Bogtong ng Legazpi City dahil sa pitong bilang ng kasong ‘statutory rape’ o panggagahasa sa menor de edad.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Kinilala ang suspek na si alyas “Mac-mac”, 26 anyos na mula sa nasabing bayan.

Ayon sa report, nang matagpuan ang kinaroroonan ng suspek, agad itong inaresto ng mga otoridad sa bisa ng warrant of arrest.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Ang suspek ay nahaharap sa nasabing kaso na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Hawak na ito ng himpilan ng pulisya ng nasabing bayan para sa kaukulang disposisyon.