Marcos, naiintindihan daw kung bakit nag-resign si VP Sara Duterte sa Lakas-CMD

Nauunawan daw ni Pangulong Bongbong Marcos kung bakit kumalas si Vice President Sara Duterte sa Lakas-Christian Muslim Democrats party o Lakas-CMD.

Ayon kay Marcos, isa raw ‘plain-spoken’ si Duterte at kung ano ang kaniyang sinabi sa kaniyang pahayag ay ito rin ang kaniyang direktang pinakakahulugan.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Aniya, masiyado na raw maraming ginagawa ang kaniyang pangalawang pangulo at sa basa niya ay ayaw lang daw ni Duterte na ma-distract.

Kung maaalala, maliban sa pagiging VP, siya rin ang Education Secretary, at bagong co-chair ng anti-insurgency agency na NTF-ELCAC.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Bago ito, una nang tumangging magkumento si Marcos sa ginawa namang pagtanggal kay Lakas-CMD chairperson emeritus, dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang Senior Deputy Speaker – ang ikalawang pinakamataas na puwesto sa Kamara, sunod kay House Speaker Martin Romualdez. //LGD edited MHEL PACIA