Degamo slay probe ng Senado ‘di na bubuksan sakaling umuwi ng PH si Teves – Bato

Hindi na raw bubuksan pa ni Senador Bato dela Rosa ang pagdinig ng kaniyang Public Order and Dangerous Drugs Committee hinggil sa pagpaslang kay Gov. Roel Degamo.

Ito ay sa gitna ng isiniwalat ni Justice Secretary Boying Remulla na uuwi na raw ng bansa si suspended Cong. Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr. – bagay naman na pinasinungalingan ng suspendidong kongresista.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Paliwanag ni Dela Rosa, baka raw kasi maakusahan pa sila na masyadong ina-accommodate si Teves.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Idiniin ng senador na binigyan na nila ng sapat na pagkakataon si Teves pero binalewala niya lamang ito.

Dagdag nito, na ang hindi pagdalo sa Senate hearing ni Teves ay sapat nang dahilan para hindi na buksan ng kumite ang na-adjourn nang imebstigasyon. //LGD, edited MHEL PACIA