2, arestado sa iligal na pagbiyahe ng kahoy

Arestado ang dalawang lalaki matapos harangin ng mga personahe ng Sorsogon CPS sa Brgy San Isidro, Bacon District, Sorsogon City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Benjamin Meravona Malaca, 52-anyos, binata, laborer, residente ng Brgy Abuyog, East District at Crisostomo Onesa Hermosa, 52-anyos, biyudo, magsasaka, naninirahan sa Brgy Sugod, Bacon District.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Lumabas sa imbestigasyon na sakay ng tricycle ang 36 na piraso ng ibat-ibang sukat na kahoy ng Antipolo nang parahin ng mga awtoridad ang tricycle.

Bigo umano ang mga suspek ng hingan sila ng kaukulang dokumento na nagbibigay pahintulot ng kanilang pagbyahe.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Nabatid din na ang sasakyan ay walang LTO OR at Certificate of Registration.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Illegal Logging.