BRHMC, mayroong nang isang gusali para sa mga COVID-19 patients

LEGAZPI CITY – Masayang ibinalita ng Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC) na sa ngayon ay mayroon na silang isang gusali para sa mga emerging and reemerging infectious diseases.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay BRHMC Head, Dr. Eric Raborar, sinabi niyang ang gusali mayroong mahigit 20 mga beds.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Aniya, para ito sa mga intensive cases na mayroong mga sapat at kumpletong mga kagamitan maging ang mga estratehiya lalo na ngayong tumataas ang mga kaso ng COVID-19 subalit huwag n asana umanong mas tumaas pa.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Hindi naman umano sila nangangamba pagdating sa manpower, dahil bukod sa mga tauhan at kompletong mga kagamitan sa nasabing gusali ang pagtulong ng mga lalawigan ay maaari rin naman muling i-activate.

Kumpyansa si Raborar na handa ang BRHMCsa posibleng pagtaas pa ng mga kaso ng nasabing sakit.