Babaeng nasa likod ng pagkamatay ng kamukha ni Kim Kardashian arestado at kinasuhan na

Inaresto at kinasuhan na ang babaeng nasa likod umano ng botched plastic surgery ng yumaong modelo na kahawig ni Kim Kardashian.

Read More:  16 killed in magnitude-7 earthquake in China

Si Christina Ashten Gourkani, na sikat sa OnlyFans, ay namatay dahil sa cardiac arrest noong Abril pagkatapos makatanggap ng ilang injections upang palakihin ang kanyang butt.

Mismong ang suspek na si Vivian Gomez ang nagturok umano ng injections sa biktima.

Read More:  153 killed in drone strike on market in Abyei, Africa

Inaresto si Gomez sa Fort Lauderdale Airport sa Florida at sinampahan ng kasong involuntary manslaughter at practicing medicine without a license.//CA