Mga partido sa Kamara, nagkasundong bibigyan ng prayoridad ang natitirang 13 priority bills ni PBBM

Nagkasundo ang mga partido sa Kamara na bigyan ng prayoridad ang 13 natitirang priority bills ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bago ang sine die adjournment sa susunod na buwan.

Ayon kay Speaker Martin Romualdez, sinuportahan ng kaniyang mga kasama ang kaniyang nais na maaprubahan ang karamihan kung hindi man ang lahat ng 13 nalalabing LEDAC bills sa ikatlo at huling pagbasa.

Read More:  PCG to deploy 17,000 personnel at seaports for Undas 2026

Sa orihinal na 31 LEDAC priority, naaprubahan na ng Kamara ang 24.

Read More:  DFA warns of possible diplomatic actions amid Chinese Embassy’s remarks against Philippine officials

Noong Linggo, sinabi ni Romualdez na inaprubahan ni Marcos ang dagdag na 11 panukala sa LEDAC priority. Sa bilang na ito lima na ang naipasa ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa.//CA