Management ng retail establishment sa Guinobatan, Albay, naglabas na ng opisyal na pahayag ukol sa viral post ng isang customer

LEGAZPI CITY – Naglabas na ng opisyal na pahayag ang management ng isang retail establishment sa bayan ng Guinobatan, Albay.

Ito ay kasunod ng viral post mula sa isang customer na inirereklamo ang isang cashier sa mali umanong pagtrato sa kanya.

Read More:  Police officer seriously injured after vehicle crashes into checkpoint Misamis Occidental

Ayon sa management, nagbigay na sila ng karampatang aksyon tungkol sa nasabing insidente.

Saad pa ng tagapamahala ng nasabing establisimiyento sa isang social media post, sinisuguro nila na pinapanatili pa rin nila ang tamang customer service at ang pagiging propesyonal ng mga empleyado nito.

Read More:  44 ASF-positive pigs culled, buried in Cebu

Nag-iwan naman ng mensahe ang tagapamahala na bigyan ng pagkakataon ang bawat isa upang maging mabuting mamamayan.