ILANG RESIDENTE SA BENITO SOLIVEN, NAKATANGGAP NG CORE SHELTER UNITS MULA SA DSWD

Aabot sa dalawampu’t limang mga bahay ang ipinamahagi ng Department Of Social Welfare and Development Region 2 sa mga residente ng Barangay Gomez, Benito Soliven, Isabela.

Batay sa ahensya, ito ay sa ilalim ng Core Shelter Assistance Program kung saan layunin nitong matulungan ang mga pamilyang nawalan ng bahay sa mga nagdaang kalamidad.

Read More:  Motorists stranded, road buried after flash flood hits Polomolok Village

Pormal nang ibinigay sa mga benepisaryo ang Certificate of Completion and Acceptance na nagpapatunay na sila ang nagmamay-ari ng nasabing mga core shelter units.

Read More:  Student rider dies after motorcycle crash along national highway in Gensan

Ang disensyo at tibay ng nasabing mga bahay ay hindi masisira sa oras na magkaroon ng bagyong may lakas na 220 kilometer kada oras at lakas ng lindol na aabot sa intensity 4.