Russia, inakusahan ang Ukraine ng tangkang pagpatay kay Putin

Inakusahan ng Russia ang Ukraine ng pagtatangkang patayin si Vladimir Putin sa isang double drone strike sa Kremlin.

Sinabi ng Moscow, na napigilan nito ang attempt at itinuring na terrorist act  ang pagtatangka sa buhay ng Pangulo.

Read More:  Filipinos in Riyadh safe after reported explosions — DMW

Samantala, mabilis na  tumugon ang Ukraine sa akusasyon.

Ayon kay Ukraine’s President Volodymyr Zelensky, wala silang impormasyon tungkol sa sinasabing pag-atake sa Kremlin.

Read More:  HYROX athlete apologizes after diarrhea incident during Beijing race

Inulit din ni Zelensky na  patuloy nilang pinoprotektahan ang kanilang teritoryo  at hindi para atakihin ang iba katulad ng Russia.//CA